Tara na, magbrigada na tayo!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa ngayong Agosto 14-19, 2023 para sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023 na may temang “Bayanihan para sa matatag na paaralan.”
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang Brigada Eskwela ay isang nationwide school maintenance program katuwang ang lahat ng mga education stakeholders sa bansa sa paglalaan ng kanilang oras, pagsisikap, at resources upang masiguro na handa ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa sa pagbubukas ng klase.
Para sa detalye kaugnay ng Brigada Eskwela 2023, basahin ang DepEd Order No. 21, s. 2023: https://bit.ly/DO21S2023